Di ko ba alam kung bakit, pero sa tuwing naririnig ko yung boses mo e kinikilig ako. Haha! Kahit yung tipong nag aaway na tayo e masaya pa din ako, at least napapansin mo ako di ba. Kasi naman we used to fight over little things that don't even matter di ba.
Sa totoo lang halos naging part na din ng buhay ko yung pag aasaran natin. Mahal kita noon pa man kahit di mo pa alam yung halaga ko sayo noon. Ngayon na alam mo na yung halaga ko sayo; di ko na papalampasin yung pagkakataon na ito para mapakita at maiparamdam sayo yung halaga mo din sa akin hanggang sa mga huling pagkakataon at panahon ko dito.
Masaya ako kapag na andyan ka malapit sa akin kahit di ako ang kausap mo ayos lang basta marinig ko lang ang boses mo.
No comments:
Post a Comment