Saturday, 24 January 2015

Hindi dahil mahal nila tayo


Hindi dahil mahal nila tayo ay dapat magpakasigurado tayo na hindi na sila aalis, kailanman. Minsan kasi nagiging kampante ang isang tao pag alam nilang mahal sila. 
Pag alam nilang hindi kaya ng isa na mabuhay na wala yung mahal nila. 
Sa totoo lang, mahirap makaramdam ng ganun. Nakakasakit, nakakatakot kaya nga sana kung maari labanan mo yung sakit at takot na pwede mong maramdaman kung kasama mo sila. Hindi para ipakita sa kanya na hindi mo kaya, kundi ipakita sa kanila na kaya mong mabuhay kahit pa umalis sila.
Kailangan mong patatagin yung loob mo na kaya mo. Na magiging masaya ka din sa takdang panahon kasi sa palagay ko, kung nakikita nila na kaya mong mahalin at pangalagaan yung sarili mo, lalo ka nilang pahahalagahan. 

No comments:

Post a Comment