Thursday, 29 January 2015

Ang mga Babae..

Ang mga Babae
1. Moody. Inborn na sa mga babae to kung badtrip kami, pakiusap wag niyo nang sabayan.

2. Pag sinabi naming nagtatampo kami lambing lang katapat nun. Yung salitang tampo e way lang namin para sabihing lambingin niyo naman kami kasi konting i love you niyo lang, okay na kami.

3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo kasi nakakataas ng self confidence namin yun.

4. Pag napansin niyong naging seryoso yung mga text namin, may mali. Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, koting lambing lang e back to normal na ulit.

5. Selosa kami kaya iwasan ninyong kayo e makipagharutan sa ibang girls lalo na sa harap namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag selos. Inoobserbahan lang kayo, kaya guys be aware.

6. Kaming mga babae normal lang ang ma-attract sa mga gwapo. Hanggang tingin lang naman kami kasi hindi naman na namin makikita ulit yun. Ma-attract man kami sa isang milyong lalaki ang puso namin ay para lang sa tunay naming minamahal.

7. Kaming mga babae pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman katulad na lang sa gm, facebook, tumblr, instagram, blog at sa kung saan saan pa.

8. Kaming mga babae kalimitan samin e makukulit, maingay at madaming sinasabe. Ang gusto lang namin e mapansin niyo kami at nasa amin lang yung atensyon niyo.

9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto lang namin ng yakap galing sa inyo. Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami, gumagaan yung pakiramdam namin. Tsaka feeling namin kapag yakap niyo kami e walang makakapang away at makakasakit samin.

10. Ang pinakagusto naming kiss ay kiss on the forehead. Bakit? Kasi it symbolizes respect.

No comments:

Post a Comment