Naniniwala ako dito kaya nga ito nilulubos ko na yung pagkakataon na makasama kita, makita at masilayan ang iyong mga ngiti; marinig ang mga corny mong jokes na bentang benta naman sakin.
Alam ko naman kasi na limitado na lang yung pagkakataon na pede kitang makasama; alam kong alam mo din yun. At masaya akong nilulubos to; Alam ko naman na ito talaga yung dapat kong gawin di ba.
Umaasa pa din ako na kahit magkalayo na tayo e di yun magiging hadlang sa atin. At tsaka anong ginagawa ng skype di ba. :)
Think positive lang dapat tayo palagi. At tsaka yung palagi ko po sinasabi na kapag nagkaroon tayo ng misunderstandings dapat ayusin agad di ba. Yun yung wag natin kakalimutan at yun din yung patuloy nating gawin.
Mahal na mahal po kita! At sa totoo lang wala akong maisip na eksaktong salita na makakapag describe ng pagmamahal na meron ako para sayo! :) i love you!
No comments:
Post a Comment