Kung pede nga lang na ispent ko yung mga oras ko at araw na kasama ka. Kung pede nga lang na huwag na ako umalis. Kung pede nga lang na palagi lang ako sa tabi mo, at nakikita yung mga ngiti mo na nakakapagpagaan ng bawat araw ko. Kung pede lang lahat ng to edi sana di ako nalulungkot sa mga oras nato. Kasi sa tuwing nasa tabi kita kahit madalas mo ako inaaway e masaya ako. Masaya ako kapag naririnig ko yung boses mo, yung mga jokes at knock knock mo na corny. xD Mahal na mahal kita Quino Ortega Tejero! at gusto ko sabihin sayo na ngayon lang ako nagmahal ng ganito, ngayon lang din ako nasaktan ng ganito, yung tipong maiisip ko lang na mapapalayo ako sayo sa mahabang panahon e nag uunahan na agad yung mga luha ko na tumulo, minsan kasama pa sipon. haha. Mahal na mahal kita alam mo naman yun di ba.
No comments:
Post a Comment