![]() |
Yeah right, at least we're under the same sky |
Kahit gaano tayo kalayo sa isa't isa. Kahit ilang libo mang milya ang nakapagitan sa atin. Ayos lang yan! May skype naman di ba? Tsaka di naman ibig sabihin na napalayo tayo sa isa't isa e mawawala na din yung LOVE. Kung totoo talaga yung nararamdaman natin para sa isa't isa di agad to mawawala ng basta basta na lang. Kailangan lang natin magiging matatag, at extra tiwala sa isa't isa. Alam ko mahirap talaga na ganito, mahirap na hindi tayo palagi nagkakakita, nagkakausap in person, napakalaking challenge nito sa ating dalawa. Pero kung malalampasan natin, tayo talaga :) Masaya ako dahil nakilala kita, Hahaha! Chos! Kahit elementary pa lang talaga tayo e kilala na talaga kita. xD Masaya lang ako kasi di ko talaga inakala na yung feelings ko sayo noon e nagawa mo na din maappreciate and much better pa nga kasi eto, mahalaga na din ako sayo. Di ko talaga inakala na darating sa ganito. Tama nga ang desisyon ko na wag sumuko sa feelings ko para sayo. <3
No comments:
Post a Comment