Monday, 17 November 2014

100 things I would want a guy to do/for me

100 Things I would want a guy to do to/for me:
  • Ask me on a date
  • Give me a bouquet of flowers
  • Give me the food I am craving for
  • Stargaze with me
  • Sing me a song
  • Dance for and with me
  • Serenade me in front of our house
  • Do crazy things with me
  • Do silly things just to make me laugh
  • Tie my hair
  • Put make-up on my face
  • Tickle me when I am sad
  • Carve our names on a tree
  • Watch the sunset and sunrise with me
  • Go out on a picnic
  • Kiss me on the cheeks
  • Kiss me on the forehead
  • Kiss me on the lips
  • Hug me from behind
  • Give me piggy back rides
  • Draw a sketch of me and us together
  • Write a poem for me
  • Go out fishing with me
  • Take pictures together
  • Dance under the rain together
  • Kiss under the rain
  • Take care of me when I am sick
  • Spoil me
  • Give me a letter/card during special days
  • Surprise me on my birthday
  • Bake pastries with me
  • Cook food with me
  • Cook food for me
  • Celebrate special occasions with me
  • Travel around the world
  • Hold my hand when I am afraid
  • Put his arms around me when I am not at ease
  • Surprise me every Valentine’s Day
  • Compose a song for me
  • Play online games with me
  • Play hide-and-seek with me
  • Be silly when we’re together
  • Can understand my mood swings
  • Will buy tampons/napkins when I am having menstruation
  • Play a musical instrument for me
  • Play pillow fights with me
  • Movie marathon with me
  • Buy me fries especially when I am upset
  • Make 11:11 wishes for both of us
  • Wish on a shooting star with me
  • Go on a road trip with me
  • Kiss my hand and make me smile
  • Go on amusement parks with me
  • Ride on a roller coaster with me and scream out that he loves me so much
  • Eat ice cream together
  • Write a book about us
  • Write a hundred reasons why he love someone like me
  • Wake me up with his hugs and kisses
  • Buy clothes with me
  • Buy couple items with me
  • Call me in the middle of the night just to tell me how much he loves me
  • Call me “beautiful” or “gorgeous” even when I look like a mess
  • Make each day of our lives together like a fairytale
  • Be my knight in shining pants/shorts ^_^
  • Shut me up with a kiss during a fight/argument
  • Swim in the beach together
  • Wait patiently for me
  • Stroll in a mall together
  • Buy me a human-size teddy bear
  • Go out on a romantic dinner date on our anniversaries
  • Cuddle in bed with me when it’s raining
  • Sleep with me (sleep only unless we’re already married then we’ll do “that thing” -_-)
  • Capture stolen shots of me and keep it in his phone or laptop
  • Pinch my cheeks and my nose when I am upset
  • Copy my facial expressions just to make me laugh
  • Let me sleep on his chest and listen to his heartbeat
  • Get jealous because he wants me to be his only
  • Does not let the whole day pass without settling an argument
  • Go to church with me to hear a mass
  • Pray for both of us
  • Plan our future together
  • Introduce me to his whole clan
  • Proud on telling everyone how much he loves me
  • Assure me that I am his only one
  • Accept everything in me
  • Faithful and loyal to me
  • Respect my decisions
  • Does not force me to do what I do not want to do
  • Protect me from anything or anyone that might hurt me
  • Kiss my tears away when I am crying
  • Never get tired of telling and showing me how much he loves me
  • Will fulfill all of our promises
  • Will propose for marriage in front of those who are dear to us
  • Will sing Marry Your Daughter to my daddy on his wedding proposal for me
  • Marry Me
  • Have kids
  • Works hard for our family
  • Grow old with me
  • Prove to everyone that Forever does exist and will make our love story a testimony
  • Love me endlessly and unconditionally

I hope you see it too

It scares me knowing that one day you could wake up and realize you don’t love me anymore, you don’t want us to be together anymore. That’s why I like to ask you if you see me in your future. Do you see me with you a week from now, a month, a year? Because I do. I see us together in our own place- you’ll still be in bed in the morning and I’ll surprise you with breakfast. I see us taking late night trips to who knows where, but we’re together, and that’s all that matters. I see us doing mindless errands because we have to, but that’s okay we’ll make it fun anyway. I see us doing everything and anything. I see us together a year from now, two years, three. I see us together for as long as I can imagine. I see us together, me and you- just us two.

I always stay

You will remember her when you have no one left,
that even when you hurt her
she was always there for you

And that's when you'll know,
that everything that you've been through

She never left, 

But by the time you realize...
It will be too late. 


Don't you realize? I was always there for you even though you keep on pushing me. I'm always there even though you don't need me even though you don't like me at all... I always stay no matter what because I believed that someday somehow you will realize my worth and I hope it won't be too late for you to do so. 

when to fall and not to fall

You know you really love someone when you can't hate them for breaking your heart. 

Proven and tested na po. Based on my experience totoo yan. Hindi mo naman masisi yung taong minahal mo kung hindi ka niya magawang mahalin ng pabalik e, sa huli ikaw at ikaw din ang lalabas na may kasalanan at responsible sa heartbreak mo. Bakit ko nasabing ikaw? E kasi naman kung pinigilan mo sana yung sarili mo na ma-fall sa taong alam mo naman na malabo na ma-fall din sayo edi sana di ka broken sa mga oras nato. Gaya nga ng sinabi ko kanina di natin sila masisisi, e sa hindi nila tayo kayang mahalin e. Alangan namang pilitin natin sila di ba? Ampanget naman nun. Kaya kung hindi talaga. Wag na ipilit. May iba pang much better na para sayo.
Kaya dapat alam natin kung kailan natin hahayaan yung sarili natin na ma-fall. Wag kang mahuhulog sa taong alam mo namang di ka sasaluhin. Masasaktan ka lang sa huli. Hindi sapat yung dahilan na makita siyang masaya e masaya at sasaya ka na din. Wag ganun. Importante ka at hindi ka nilikha ng Diyos para magpakamartyr lang sa lalakeng minamahal mo. Kahit sabihin mong masaya kang makita siyang masaya hindi mo alam kung hanggang saan at hanggang kailan mo kakayanin. Dahil tao lang tayo, napapagod din.


There are so many fish in the sea but you're the one for me

One day you're going to see her holding hands with someone who took your chance. She won't even notice you because she's too busy laughing with the stupid jokes he makes and it will burn your heart seeing that beautiful smile on her face and realizing that you're not the reason anymore and then it will finally hit you: it was her, it was always her. 

Bakit nga ba ganun ano? Tsaka lang natin narerealize yung importance ng isang tao kapag wala na sila sa atin at ang masakit pa e kapag nasa piling na ng iba. Yung tipong makakasalubong mo sila sa daan, ang saya saya nila at ikaw naman di mo malaman kung saang direksyon ka titingin para lang di na mahagip ng mga mata mo ang babaeng pinakawalan mo na masayang kasama ang lalakeng nagpapasaya at nagmamahal na sa kanya ngayon na dapat sana e ikaw pa din.
Siguro nga may mga ganito talagang love story  na hindi nagtatapos sa and they lived happily ever after. Pero magakaganunpaman, chill ka lang. Marami pang isda sa karagatan. May nakabingwit man ng pinakapapangarap mong isda may tilapia naman o kaya bangus. Hindi pa katapusan ng mundo. :)



Thursday, 30 October 2014

Mr. Sungit

Hi Mr. Sungit! Haha. I love you! Love pa din kita kahit di ka nagrereply, kahit pinagbababaan mo ako kapag natawag ako sayo. Kasalanan ko din naman kasi di ba? Sorry na ha! I love you! mahal na mahal kita. Wag ka na magtampo sakin ha. :*

Monday, 29 September 2014

You always scold me I like that

It seem weird but I honestly like it sa tuwing pinapagalitan mo ako. Di ko makakalimutan yung araw na sinabihan mo ako ng "Dalaga ka na, umasta kang dalaga." At ang aking napakagandang response dun e "Eww. Ayaw ko nga." hahaha pasaway lang ang peg ko. Besides ang hirap naman kasi talaga magpakadalaga. Ikaw kaya!
Siguro di mo na tanda na sinabe mo yun sakin. Pero ako tandang tanda ko pa yun. Sa totoo lang I find it cute when you used to scold me. Feeling ko kasi; gusto mong itama ko yung mga nakikita mo na mali sa akin.
Di ako assuming ha! Pero feeling ko talaga concern ka sakin. Kasi nga pinagsasabihan mo ako. Hahaha. Nasanay na din ako na ganyan ka sakin. Tas nung isa, sabi mo ang kapal ng make-up ko. Di naman kasi talaga ako magaling mag make-up. Kaya simula noong araw na yun di na ako masyado nag apply ng make-up. 
Sunday service yun noong sinabihan mo ako. Pero kahit papano thankful padin ako kasi nagiging honest ka sakin at nalalaman ko sa sarili ko yung dapat baguhin o ayusin. 

I miss you

I miss you! I miss our late night conversation
Nakakalungkot pero namimiss ko na talaga yun. Yung aabutin tayo ng madaling araw na nagkukwentuhan patungkol sa mga bagay bagay sa buhay. Nakakamiss yun. 
Yung kahit san mapunta yung usapan keri lang, di pa tayo awkward sa isa't isa nun. Sorry talaga ha I messed up everything simula ng magkagusto ako sayo. Sorry for being weak. I shouldn't like you in the first place. Sorry. Siguro adwang adwa ka na sa mga sorry ko, sorry ha. Hahaha Lol
Basta wag ka na kasi magkakape ha! Di ka kasi nakakatulog kapag uminom ka nun. Ako lang pede hehe. I miss you Kino! I miss the old us. Sorry ako may kasalanan. 
Mamimiss lalo kita kapag umalis na kami; sana kahit konti mamiss mo din ako. Yung kadaldalan ko, yung mga kwento ko na endless. Hahaha! Bigla ko naalala kung gaano ka naaasar everytime na ang dami kong kwento. Pasensya dun. Ganun talaga ako e. I hope one day matanggap mo din yung ganung side ko.  

Sorry kung...

Sorry kung ikaw pa yung napili kong gustuhin 
Sorry kung kung palagi kitang naaasar
Sorry kung kong naiwawala yung mga ginagawa mong chords
Sorry kung ang kulit kulit ko sa text 
Sorry kung gusto palagi kita makita 
Sorry kung palagi akong nakaasa sayo pagdating sa chords
Sorry kung ang daldal ko 
Sorry kung ang dami kong tanong 
sorry kung palagi kong inaalam mga happenings sa buhay mo 
Sorry kung ang dami ko sinasabe
Sorry kung feeling girlfriend ako 
Sorry kung gusto ko palagi sa tabi mo 
Sorry kung ang saya saya ko kapag andyan ka 
at Sorry kung kahit anong gawin ko gusto padin kita. 

Masaya ako kapag...

Masaya ako kapag andyan ka
Masaya ako kapag naririnig kita kumanta
Masaya ako kapag tumatawa ka
Masaya ako kapag sabay tayo kumain.
Masaya ako kapag ang lupet mo mag gitara
Masaya ako kapag kasama ka sa follow up
Masaya ako kapag inaaway mo ako
Masaya ako kapag nagjo-joke ka
Masaya ako kapag andun ka sa practice every Saturday
Masaya ako kapag kasama kita magturo sa mga bata
Masaya ako kapag nakikita mga litarto nating dalawa
Masaya ako kapag magkakulay tayo ng damit na suot
Masaya ako kapag katext kita hanggang madaling araw
Masaya ako kapag sinasabihan mo ako ng mga secrets mo
Masaya ako kapag sabay tayo nag gigitara habang ikaw ang nakanta
Masaya ako kapag kasama ka mag foodtrip
Masaya ako kapag kasama ka mag movie marathon
Masaya ako kapag kasama kita
Masaya ako kapag tumatawa tayo ng wagas na parang wala ng bukas
Masaya ako kapag nakikita kitang masaya

Joaquin

I still remember about it. Tanda ko padin noong sinabe mong kaya naging Quino yung pangalan mo kasi kinuha sa name ng lolo mong si Lolo Joaquin. 
Alam mo, I always pay attention sa mga sinasabe mo. Especially if its about you. Sa mga chords lang talaga hindi; malay ko ba di ko alam kung bakit di ko magawang maka memorize ng chords. Sorry about dun ha, ikaw tuloy nahihirapan mag chords ng mag chords kapag tutugtog tayo. 
Pero as I've said earlier. I always pay attention sa mga sinasabe mo. Katulad na laang nung isa sa mga paborito mong kanta. Yung ang simula e Save your smile everything fades through time. 
Sabi mo sakin gusto mo yung kantang yun, kaya palagi ko siyang pinapakinggan kada lyrics fini-feel ko yung message. Tsaka yung kids in love. Kahit di ko siya type pinakinggan ko din to find out kung ano yung message nung kanta. Ganun ka kahalaga sakin at yung mga gusto mo at about sayo. 

I want to grow old with you

Oy! hayaan mo muna ako magpaliwanag, React ka na agad dyan e. Di ibig sabihin nun gusto ko magkatuluyan tayo. What I mean is... gusto kong makasama kang tumanda.
Yung kahit mga ulyanin na tayo e mag kaibigan padin tayo. Syempre magkakaroon tayo ng sari-sariling pamilya at sari-sariling asawa at mga anak. 
Tanggap na tanggap ko na naman; na kahit kailan di mo ako magugustuhan. Di ba ikaw na nga nagsabi nun. Diba ang cute nun Kahit mga lolo at lola na tayo e mag aasaran padin tayo at tumutugtog ng gitara just like the old times noong mga kabataan days natin. Hahaha!
Alam ko; malabong mangyari lahat ng ito. Pero di naman siguro masamang mangarap kaya nga sinasagad ko na di ba.
Nakakatuwang isipin na matanda na tayo tapos ipagluluto padin kita ng paborito mong spaghetti, Tapos magmo-movie marathon tayo. Tapos aalalahanin natin yung mga araw, buwan at taon na lumipas. 

Always belong to you

At times I may get mad at you 
without any reason
At times I might yell 
but hey just know that I just want your attention
I know at times I'm hard to deal with 
but please just try
I know that I can be hard headed 
but one kiss from you makes me soft
I can't be perfect and I will never be, 
but I promise you one thing 
that no matter where life take us 
I will never leave or give up on you
I will always stay by your side and 
assure you that everything will be okay
I will walk with you hand and hand 
then smile and wipe your sorrow away
I will never ever in a million years 
would ask for someone else 
because no matter how hard they all try to compete with you 
they will never win..
Because my heart will always belong to you..
I LOVE YOU... ^-^

Monday, 18 August 2014

Try as I might I can't stop my tears from falling

That's true. I can't stop my tears from falling sa tuwing naaalala ko yung masasaya at malulungkot na alaala. Baduy na kung baduy pero yun ang totoo. Especially kapag napapaptingin ako dun sa album natin, ang dami kaya nating pics na magkasama. Sobra ko talagang tine-treasure yung mga yun.
Atleast I have something na makakapagpaalala sayo, makakapagpaalala na naging part ka ng buhay ko. You have no idea kung gaano ako ka thankful kasi I was given the chance to get to know you. At hindi lang yun, nakasama pa kita ng matagal; nakasama kitang mag ministry. Ang saya diba.
Sorry sa mga pagkakataong na aasar ka na pala sakin. I'm really good at getting into your nerves. Haha. Pero alam mo takot talaga ako sayo kapag galit ka na, sino ba namang hindi. Lalo na kapag nagsasalubong na yung mga kilay mo. Kulang na laang e magtago ako sa ilalim ng mesa.

You easily affect my mood

No doubt about that. Kasi kapag galit ka... nako windang naman ako. If you only knew kung gaano ka ka-scary kapag galit. Pero kapag masaya ka, masaya din ako syempre In fact mas masaya pa sayo, kasi nga masaya ako na makita kang masaya.
Tas kapag nagsimula ka na magjoke ako ang tagatawa mo kahit ang ko-korni naman talaga ng mga jokes mo. Lalo na yung knock knock mo about kay Nemo. Hahaha! Ang baduy kaya Ew! I found out na galing yun kay Sweet. No comment na lang ako.
Boom! Selos na naman daw si Jez! Haaay naging routine ko na halos ang magselos simula nung magustuhan kita e; pano ba naman kasi ang dami dami dami dami nagkakagusto sayo. Hmp! Di ka naman gwapo. nagtataka nga ako e. Hahaha. Sory ang hard ko...
Tas ang gaganda pa at ang puputi ng mga nagkakagusto sayo. Ays. Nakakainggit. Pero Yae na, ang ganda naman kumukupas sapaglipas ng panahon. Pero sa tingin ko ang pagmamahal ko sayo ay hindi kukupas sa paglipas at pagdaan ng panahon. Gravity love na love kaya kita. Kahit palagi mo ako inaaway, palagi mo nakikita mga mali ko, nagagalit ka kapag ang ingay ko masyado. Tas kapag gabi na at nasa bahay pa ako ng mga kaibigan ko, pinapauwi mo na ako. Oh ang sweet nun di ba. <3

I miss your name lightning up my phone

Buong akala ko galit ka sakin. Kasi nga nasabi ko sa iba yung secret mo na di ka na muna magchurch, kaya nalaman ng iba at nakarating pa kay pastor. Akala ko talaga galit ka sakin nun pero hindi pala. Hindi kita tinetext kasi akala ko nga ganun. Pero ikaw yung unang nagtext sakin.
Syempre nung nagtext ka. Takbo agad ako sa paloadan. Haha! Reply agad ako, ay mali nag register pala muna ako bago kita nireplayan. Tas ayun nagkatext na ulit tayo. Ang saya ko nun.
Sorry ha ang saya ko lang talaga kinausap mo na kasi ulit ako. That was so unexpected talaga. Pero inaaway mo ulit ako, Haha Lol ano pa bang bago?

Akala mo di ko alam; alam ko kaya

Tanda  mo pa nung last day na ni ate Ara mo dito sa Pinas? Yung dyan kami natulog ni ate Jhem at Jay.
Yung nagfoodtrip tayo at nag movie marathon. Kung hindi ako nagkakamali ang pinanuod natin ay yung Gravity tas Adventure something na ang bida ay si Peeta Mellark ng Hunger Games. Tas yung isa pa ay yung mga kulay na blue na tao; di pala sila tao. Ano nga title nun? Ahh. Basta yung mga blueng tao nga.Lol
Sabi ni ate Jhem wala daw matutulog pero ang totoo siya naman ang unang nakatulog. Patawa eh, Haha.
Katabi ko nun si Akihero. Syempre tulog-tulugan ang peg ko. Kaso miya't miya ko din siyang tinatapik kasi nga nagigising at naiyak.
Nakita kita; alam kong hindi ito isang ilusyon lang; pinagmamasdan mo ako matulog at napapangiti ka pa. Hahaha. Asa ka namang mahuhuli mong tumulo laway ko. xD

Only Reminds me of you

Bakit ganun? Nasa lamay na't lahat ako. Naaalala padin kita kasi naman may nakita akong batang nagtitinda ng balot. Since napaawa din ako dun sa bata; mga 11pm na pero naglalako padin siya ng balot. Kaya napabili ako ng dalawa.
Ayun, pinakain ko lang sa mga kaibigan ko. Di kasi ako nakain nun di ba. Alam mo naman yun. Bakit kako kita naalala?
Eh kasi naman noong nag foodtrip tayo; yung tayong dalawa lang tas libre mo pa. Yieee. Kilig much ako nun. Katatapos lang ng midweek natin nun nung mag aya ka magfoodtrip sa bayan, syempre sama naman ako. Haha.
Yung una, bumili ako ng mamon na hugis triangle dun sa batangeno bakery. Tas kumain ka ng balot, ako naman penoy lang. Tapos bumili ka din ng mais na nasa cup. Syempre ako din, pakigaya e. Hahaha. Then ikaw nagbayad nung mga kinain natin. <3 At kung hindi ako nagkakamali bumili ka pa ng siopao nun, kaso ako hindi na di ko na kaya e. Takaw much lang natin nung mga oras na yun. Tapos after nun umuwi nadin tayo, tas hinatid mo ako samin hanggang sa makapasok ako ng gate. Ang sayaaaa ko na naman.

Sunday, 17 August 2014

Ako daw si kimpi girl

Nagsimula ang pagiging kimpi girl ko nung swimming sa RGO yung family day ng WIN Nagcarlan at WIN Wakat. That time, di mo talaga ako pinapansin masyado. Di ko din alam kung bakit e, basta iwas ka sakin nung mga oras na yun.
Syempre enjoy padin ako kahit di mo ako pinapansin, dami kaya foods tas ang sarap magswim. Ilang beses nga ako nagpaslide dahilan para mabutas yung suot kong leggings. Argh. Nakakahiya lang. Kulay pink pa naman panty ko that time.
Tas ayun nga nagpunta kami sa kweba nila ate Jhem, Mhanal at Leo. Medyo nagtagal kami dun, kwentuhan pa kasi e girl talk ba. Tas nung lumabas kami ng kweba nagulat ako kasi andun ka.
Nung pauwi na tayo; itinuro mo ako dun sa kasama mong taga wakat. Tapos bumulong ka sa kanya, then nagtawa kayong dalawa. Di ko na lang pinansin yun, alam ko namang pinagtitripan mo na naman ako e.
Tapos yung nag mo-movie marathon tayo; napansin mo na naman yung buhok ko. Sabi mo "lagi ka na lang nakikimpi e" sabay tawa lang. Pang asar lang e. Pero ang totoo kinikilig ako kahit nilalait mo na ako. Haha

Sometimes I just want to unlike you

Totoo yun, minsan talaga dumating sa point na winiwish ko na sana mawala na itong feelings ko para sayo. Nakakapagod nadin kasi; kahit anong gawin ko di mo pa din ako na-aapreciate. Todo effort na nga ako kung minsan basta para sayo. Haha!
Tanda mo nung nagalit ka sakin? Kasi sabi ko di na ako tutugtog ng gitara kahit kailan. Gravity napuyat ako dun ah. Gumawa kasi ako ng malaking banner. Kung di ako nagkakamali it says "Sorry na, bati na tayo ang baduy mo."
Chumi-chichay lang ang peg ko that time. Kasi nga water color ginamit ko dun sa baner. Kunyare nagpe-paint ako Hahahaha! Syempre feel na feel ko yun kahit puyat na talaga ako. At sa kabutihang palad e natapos ko naman, at kinasabwat ko si Ate mo para siya ang magtape sa wall sa kwarto mo para masurprise ka.
Alam mo naman na ayaw ko na galit ka sakin; kaya humihingi agad ako ng sorry. Take note; di lang basta sorry with effort pa talaga at puyat dun sa banner. Wala e, ganun ka kahalaga sakin.

I hate myself for waiting for you to love me back

I feel sorry for myself. I'm so pathetic talaga. I'm still hoping kasi na one day magugustuhan mo din ako. In fact sinasama ko pa nga sa prayers ko na kung ipagkakaloob talaga ni Lord, why not di ba.
Pero alam ko naman na siya talaga yung gusto mo; its pretty obvious naman e.

June 30, 2014



Ako: "Di na kita pede itext. Wag mo na din ako itext. Mamimiss kita . Ingat ka palagi. God bless."

Kino: "bakit?"

Ako: "Di ko pedeng sabihin. Delete mo na number ko."

Kino: "Anu nga"

Ako: "Tuturuan ko ang puso ko na wag ka ng magustuhan. yun ang totoong dahilan."

Kino: "Ang o.a mupuko. Ngaun pa? Sge. bhala ka."

Ako: "Pinagmamalasakitan ko lang ang sarili ko. Masyado na kasi akong naapektuhan sa mga nangyayari sayo."

Kino: "Ang oa mo. bhala kna nga sa buhay mo. ayako sa maarte."


"11:14pm tinawagan mo ako"

The sick girl part ll

Edi yun na nga, nagtext ka sakin ng "Pagaling ka." Syempre tuwang tuwa naman ako nun. Sino ba namang hindi di ba.
Tapos nakatext kita nun; konting kwentuhan nga lang tayo kasi sabi mo matulog lang ako at baka mapagod ang mata ko. Syempre tuwa na naman ako. Feel na feel ko tuloy yung parang concern ka sakin. yieee. Haba ng hair ko. Hahaha. Joke! xD
Then binisita ako ni kuya Cynex at Mac. That time katext kita kaya alam mo na may bisita ako, yun din yung araw na nakita ko/ napansin yung mga rashes ko. Natatawa ako kasi inuutusan mo ako na paalisin ko na sila; nakakahiya kaya gawin yun. Ako na nga binisita nila tapos palalayasin ko agad sila. Hahaha. Siguro nagseselos ka lang, kasi nga ako lang tao nun sa bahay. Lol. Assuming na naman ako. Then nung umalis na sila, kayo naman ni ate Jhem ang pumunta para bisitahin ako.
Kwentuhan lang; tapos nagpunta din si kuya Sham at kuya Rhap. Syempre inaasikaso ko sila paghahanda ng maiinom man lang. Pero sabi mo sakin na umupo lang ako; kasi nga alam mo na masama padin ang pakiramdam ko. <3

The sick girl

Tandang tanda ko pa nung nagconcert ang Wakat daretso overnight tapos nilagnat ako. Halos isang linggo din akong maysakit nun. Pano nga ba naman kasi nagplantsa ako nun ng mga costume na isusuot bago tayo umalis tapos naambunan ako.
Naaalala ko nung nagpunta kayo dito sa bahay after niyo magpractice ng music team. Sabi mo nun "Walah e, walang mag gigitara" (pero nakangiti ka naman nun). Tapos pagkaalis niyo nagtext ka sakin ng "Pagaling ka." Syempre ang saya ko nun kahit may sakit ako.

The bracelet

Katatapos lang ng ating group date. Umuwi ka muna sa inyo nun. Pero sabi mo, bago ka umuwi babalik ka para tumambay; tatawag ka sakin kasi nga dito matutulog si ate Jhem gawa nung thesis niya.
Since wala na akong load; di kita maitext. That's why I decided na maghanap ng paloadan just for the sake of texting you. Humanap ako kahit 9:30 na ng gabi yun.
Sarado na kasi kila ninang kaya nakakahiya na magtawag. Bigo ako makahanap ng paloadan kasi nga mga sarado na.
Pero nung pag uwi ko nakatawag ka na pala. Si ate Jhem ang nakausap mo at sinabe mong babalik ka. Kaya ayun dali dali akong naglinis, nagtoothbrush at nagbihis.Then miya-miya g konti tumawag ka; sabi mo nasa labas ka na. So lumabas ako. Tapos ayun tumambay tayo sa labas ng bahay namin habang nagawa si ate Jhem ng thesis niya. Tapos bago ka umalis binigay mo sakin yung bracelet. Mga 1am ka na din umuwi nun di ba. Ang saya saya ko nun e. Tapos pag uwi mo magkausap.magkatext padin tayo. Hahaha.