Monday, 17 November 2014

There are so many fish in the sea but you're the one for me

One day you're going to see her holding hands with someone who took your chance. She won't even notice you because she's too busy laughing with the stupid jokes he makes and it will burn your heart seeing that beautiful smile on her face and realizing that you're not the reason anymore and then it will finally hit you: it was her, it was always her. 

Bakit nga ba ganun ano? Tsaka lang natin narerealize yung importance ng isang tao kapag wala na sila sa atin at ang masakit pa e kapag nasa piling na ng iba. Yung tipong makakasalubong mo sila sa daan, ang saya saya nila at ikaw naman di mo malaman kung saang direksyon ka titingin para lang di na mahagip ng mga mata mo ang babaeng pinakawalan mo na masayang kasama ang lalakeng nagpapasaya at nagmamahal na sa kanya ngayon na dapat sana e ikaw pa din.
Siguro nga may mga ganito talagang love story  na hindi nagtatapos sa and they lived happily ever after. Pero magakaganunpaman, chill ka lang. Marami pang isda sa karagatan. May nakabingwit man ng pinakapapangarap mong isda may tilapia naman o kaya bangus. Hindi pa katapusan ng mundo. :)



No comments:

Post a Comment