Di na daw ako katulad ng dati
Haha isang malaking kalokohan ito, hahaha. Kung anu ano na laang kasi naiisip mo. Di naman ako nagbago, sabi mo kasi simula ng malaman ko na mahalaga na din ako sayo e di na ako katulad ng dati. Di ko alam pero alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako nagbago. Sa totoo nga nyan e ang saya saya ko kasi di ko akalain na darating yung time na magiging mahalaga din pala ang isang katulad ko sayo. Syempre naman dati, palagi deadma yung mga text ko sayo kung magreply ka man napaka ikli lang. Pero dahil nga ngayon na gabi gabi na tayo magkausap sa phone napakasaya ko talaga. Sino ba namang hindi di ba? hahaha. Dati kasi talaga e pangarap lang kita ngayon mahalaga na din ako sayo. :) Hindi ko na pakakawalan ang mga gaitong pagkakataon. Para na din ako nakatama sa lotto neto e, di ko talaga inakala na magiging ganito ka sakin, pero kahit mahalaga na ako sayo andun pa din yung pang aaway mo sa akin na sa tingin ko e parte na din talaga ng ating buhay. :) pero ang mahalaga di tayo pumapayag na matapos ang araw na may galit tayo o tampo sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment