Monday, 15 June 2015

isang napaka cute at espesyal na cake

June 15, 2015 I received this cake and it was very special because it's from you (Kino my loves) 

Ang saya ko that night. Sino ba namang hindi diba. This cake was not a surprise kasi nasabi mo na sakin na bibigyan mo nga ako. That day it was Monday and it has been a busy day for me. Bakit? kasi i exert an effort na maglinis ng bahay at maipagluto ka ng Pesto Pasta. <3 
Well, siguro nga nagtaka ka kasi puro dahilan na lang ako na may iniuutos sakin si nanay at kung ano ano pa but the truth is naghahanda lang ako sa pagpunta mo.
5pm pa lang handa na ako at tapos na sa mga gawain, i've waited until 8pm and finally you came. Di pa nga dapat papasok sa loob e buti na lang sinabi ni nanay na nagluto ako para sayo at magtatampo ako kapag di ka kumain, 
:) Kaya ayun, kumain ka at nakapagkwentuhan pa tayo. Tas umuwi ka na. <3 

Monday, 1 June 2015

di na daw ako katulad ng dati

Di na daw ako katulad ng dati
Haha isang malaking kalokohan ito, hahaha. Kung anu ano na laang kasi naiisip mo. Di naman ako nagbago, sabi mo kasi simula ng malaman ko na mahalaga na din ako sayo e di na ako katulad ng dati. Di ko alam pero alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako nagbago. Sa totoo nga nyan e ang saya saya ko kasi di ko akalain na darating yung time na magiging mahalaga din pala ang isang katulad ko sayo. Syempre naman dati, palagi deadma yung mga text ko sayo kung magreply ka man napaka ikli lang. Pero dahil nga ngayon na gabi gabi na tayo magkausap sa phone napakasaya ko talaga. Sino ba namang hindi di ba? hahaha. Dati kasi talaga e pangarap lang kita ngayon mahalaga na din ako sayo. :) Hindi ko na pakakawalan ang mga gaitong pagkakataon. Para na din ako nakatama sa lotto neto e, di ko talaga inakala na magiging ganito ka sakin, pero kahit mahalaga na ako sayo andun pa din yung pang aaway mo sa akin na sa tingin ko e parte na din talaga ng ating buhay. :) pero ang mahalaga di tayo pumapayag na matapos ang araw na may galit tayo o tampo sa isa't isa.

ice cream

Ice cream
Sobrang saya ko today. bakit? kasi nang libre ka ng ice cream! Yey! ang saya diba. :) Katatapos lang ng midweek, kahit iilan lang tayo natuloy pa din. Ikaw, Ako, si ate Gel, Uchay, Mama Nors, Sis Vergie, Leo, Ate Tisay, Lola Lina, Lola Cory at tatay Pan.
Ang pinag aralan natin ay yung sa 1Corinto yung tungkol sa pag aapreciate ng mga ginagawa ng ating kapwa. Si Ate Tisay ang nagturo nun. Kumanta pa nga tayo ng Pintig ng Puso bago magstart. Ang saya saya ko that night, hindi dahil nakita kita kasi nagkasama sama ulit tayo. Hahaha! Kahit wala talaga akong palya ng midweek at Sunday Service. Malay ko ba, ang bilis ko kasi kayo mamiss lalo ka na syempre. Haha
Astig nga e, pagpasok nating ng 7-eleven e yung ikaw ni yeng constantino ang natugtog. :) Yung paborito ko pa talagang kanta. Ang saya diba. Tapos kwentuhan habang pauwi, ang saya kasi hinatid mo pa kami nun.