Wednesday, 15 April 2015

Convo with Mr. Grumpy my loves

Conversation namin ni Mr. Grumpy
started January 26, 2015
11:25pm

J: Hoy! I love you
K: Wag na sana umandar ang oras
J: Haha, Bakit naman? Edi di darating ang bukas.
K: Para di na kayo umalis
J: Haha
K: Sana pagdating na lang nila Ara tsaka kayo umalis
J: Kung pede nga lang e. Kasi di naman abot
K: Oo nga, Di ko maisip sarili ko kapag wala ka na. Tapos walapa sila ara
J: Yun nga lang
K: Sige
J: Kapag dumating na visa namin di ko muna sasabihin mas malulungkot lang tayo e
K: Paano na kaya ako nun
J: Di pababayaan ni Lord ang anak niya naniniwala ako dun
K: Alam ko yun pano nga ako kapag wala ka na
J: Ako nalulungkot na masaya. Nalulungkot kasi matatagalan bago ulit ko kayo makita, masaya kasi makakasama ko na si tatay at tita
K: Ai. sige
J: Ngayon pa lang inihahanda ko na yung sarili ko
K: Okay okay
J: di ka pa inaantok?
K: Hindi pa din e
J: nasubukan mo na ba yun? Yung kahit ikaw e di pa inaantok basta pumikit ka lang di mo namamalayan na nakatulog ka na pala
K: Hindi e. Di kasi talaga ako inaantok
Paano nga pag andun ka na. Tas may magustuhan ka. Di mo din maiiwasan yun e. Ano gagawin mo? Wag yung plastik na sagot.
J:Ahmm. Kapag nagustuhan ko? Edi ibig sabihin di pala totoo yung mga pinagsasabi ko sayo na mahal kitang tunay na ikaw lang talaga. Pero sa tingin ko naman e malabo ng mangyari yun. Kasi ako naman e nakakahanap na ngayon ng mga bagay na paglilibangan na di ko kinakailangan ng kalinga ng kang sino man.
K: ganun? okay
J: anong masasabi mo dun sa sagot ko?
K: Wala naman. Hindi kasi imposible magkagusto ka dun. Basta sabihin mo lang
J: Ako kasi pinipilit kong tanggapin na sa oras na umalis ako wala na talagang kasiguraduhan ang lahat.
K: Oo nga, Di katulad dun pag nakakita ka ng parang ako. tas lagi mo pa nakakasama
J: Yun na nga po. Isa pa din sa problema ko. Mabilis ako magtiwala sa tao.
K; Okay lang basta sabihin mo agad para di na ako magparamdam
J: Opo. Tsaka malalaman mo naman yun. Hanggat yun pa din ang pw ko ibig sabihin ikaw pa din talaga
K: Sus. Pag nag aaway naman tas pag nagseselos ka pinapalitan mo naman
J: Di na kaya ngayon. Di ko na pinapalitan baka kasi isipin mo e di na kita mahal
K: Ah ok. Pag may nakita ka dun. Okay lang. Para di ka malungkot dun
J: Ikaw din ha.kapag may nakilala ka na mabait, na pasasayahin ka at mamahalin ka. Okay lang. Basta kung magiging masaya ka dun ayos lang. Babalikan naman kita e. Sana pagbalik ko e pede pa kita bawiin.
K: tange. Di na ako ganun. Edi mag iintay
J: Sana pagbalik ko may pag asa pa tayong dalawa. Sana may pag asa pa na mapabalik yung halaga ko sayo. Kasi mahal na mahal talaga kita at alam ko na sa sarili ko na totoo to. Yung nararamdaman ko para sayo
K: Asus. Hindi din. Pag nakakita ka dun mawawala yan for sure
J: Ganun nga daw yun. Kapag may nakilala ng bago nalilimutan na yung dating mahal pero di ko hahayaan mangyari yun. Basta kapag ikaw e napapagod na mag intay sabihin mo lang. Uuwi ako para batukan ka. Hahaha. Joke!
K: Joker ako. Parang hindi lagi seryoso.Parang wala lang lagi. Pero kapag ako nangako ginagawa ko.
J: Alam ko. Kapag nga sa practice kapag sinabi mo darating ka, darating ka
K: Oo
J: :)
Basta kung san ka masaya dun ako. Gusto ko lang naman e palagi ka masaya
K: Ewan ko kung anong masaya. Masaya ako kapag nasa church at kasama kayo
J: Ako din masaya din ako kapag nasa church at kasama kayo. Tapos dun tayo kakain ng luto ni tatay Pan. Tas mag kakape. Haha. Mamimiss ko yun
K: Paano nga kasi talaga pag andun ka na tapos may makita ka ding ganito. Tas magiging ganito din lagi kayo. Magkatext, magkausap, magkasama. Paano ako?
J: Di naman mangyayari yun kapag palagi tayo magkachat. Syempre mamomonitor mo yung mga pinag gagagawa ko dun. Nalalaman mo kung sino mga nakakasama ko.
K: Di din. Pano nga kunware kapag nag aral ka dun o nagtrabaho.
J: Tsaka mababawalan mo ako na magsasama sa kanila alam mo naman ako e sumusunod sayo
K: Syempre iba na pag andun ka. Pedeng di ka na sumunod, Napakabilis lang mag lie. Iba na dun.
J:Ahm oo nga no. Edi ipapakilala ko kay ate Grace ng magkabf na siya dun. Tapos lagi kami magkakasama
K: Seryoso kasi
J: Pero di ba nga kapag mahal mo talaga kahit di ka niya nakikita e susunod at susunod ka pa din sa kanya
K: Ewan a :(
J:Mahal kita alam mo yun. Kailangan talaga e yung pagiging totoo sa isat isa at yung tiwala ang wag na wag mawawala satin
K: Sana nga
J: Wag ka na malungkot. 2 years lang naman e
K: tapos? e di ba dun na kayo titira
J:Uuwi din ako after two years. Magbabakasyon
K: Gusto ko na din dun :(
J: Di naman malabong mapasunod kita dun kahit di tayo magkatuluyan e. Matutulungan pa din kita
K: :3
J: Kaya nga wag muna papapikot ha. Baka pag alis ko e mapikot ka na agad
K: Hindi a. Oo na
J: Good. Kunin ko lang yung isang phone sa taas ha
K: Sige

Signing off :)

That jelly guy

Yala! Haha. Nagseselos din pala ikaw :D Nakakatuwa di ko akalain na magseselos ka. Yieee! Palagi kasing ako na laang ang nagseselos. Paano ba naman ang dameng nagkakagusto sa iyo. Ang puputi at at ang gaganda pa.
Pero yun na nga nagselos ka nung ibinigay ko yung number ko kay Dudong. Tanda mo pa ba yun? Pati yung sinamahan ko si Mhanals na kunin yung bag niya kay Jhap nung nasa Dayap tayo.
Natutuwa lang ako; pero di ko naman sinasadya lahat yun para pagselosin ka. Nagulat na nga lang ako na ganun. Di ba kapag nagseselos ka daw, o kahit sino man. Ibig sabihin daw nun e natatakot ka lang o tayo na mawala sila sa atin.
Kaya nga ako di ba; kapag nagseselos ako ganun lang yun. Kaya nga sana intindihin mo na lang po. Sa ngayon, binabawas bawasan ko na ang pagiging selosa. Ayaw ko din kasi ng ganun ako. Kaso nga e, kapag selos na ang nauna e talagang ako e naaasar. Sorry ha! Natatakot lang ako na mawala ka sakin, at maagaw ng iba.

Christmas Party ng Reach Kidz 2015

2015 na, kasi January na natin ginanap yun di ba. Ang saya natin nun; syempre hindi lang tayo pati yung mga bata. Ang dami natin paprize nun; kasi nga kumuha pa tayo nun kay ate Marie ng pera para sa prize.
Ang daya mo nga e, ang sabi mo sasamahan mo ako bumili ng para sa prize kaso ako na lang mag-isa kasi nasa bayan na din naman ako nun. 
Tapos ayun na nga nakabili na ako kaso puro mga laruan. Hahaha! Syempre yun naman talaga ang gusto ng mga bata e. Kahit nga ako e Haha dejoke. 
Before magstart yung program, I saw your call logs. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Why? Kasi mga pangalan ng babae mo ang mga nakita ko dun. I don't care kung ikaw o sila ba ang tumawag. My concern is you still have connections sa kanilaand I don't like that idea. I'm not selfish; I just don't like sharing you to others okay?
Nang matapos na yung program nagshare tayo sa spaghetti. Nagkulang na kasi yung pagkain. Of course I enjoyed every moment na magkasalo tayo sa pagkain. :) At least humupa yung pagkaselos ko. Masaya talaga ako di naman ako nagpa apekto dun masyado sa nakita ko na call logs mo. Still 
inenjoy ko yung party para sa mga bata.  
Tas pinagtabi mo pa si John nun ng palobo kasi nga di siya nakaattend gawa ng bagong tuli siya. 
Hehe! :)

The grass withers and the flowers fade but the Word of God stands forever

Ang mga damo ay natutuyo, ang mga bulaklak ay kumukupas ngunit ang Salita ng Diyos ay walang hanggan. Haha Tinagalog ko lang xD
Totoo nga yun ang pagmamahal ko ang pagmamahal mo at kahit ang pagmamahal nating dalawa ay maaaring matulad sa damo at bulaklak na kumukupas at natutuyo ngunit ang mga salita at pangako ng Lord ay pang forever.
Kaya ang masasabi ko lang po e panghawakan natin ang mga pangako ng Lord, dahil alam naman nating dalawa na kung sa tao magmumula ang pangako e malabo o walang katiyakan kung matutupad nga iyon.
Sa ngayon mas magtiwala tayo sa Lord, kung will talaga na tayong dalawa sa huli. Magtiwala din tayo na palaging in control ang Lord sa ating mga buhay kung hahayaan natin siya kumilos/umaksyon. Kaya patuloy lang tayo sa paglilingkod sa Lord kahit magkalayo na tayo. :)
Mahal na mahal kita! At gusto ko syempre na si Lord ang nasa center ng ating relationship. Palaging si Lord ang first priority hanggat maaari dahil yun naman po ang nararapat natin gawin. I love you! :*

Do more of what makes you happy

I love writing. Nakakagawa ako ng mga love stories that just comes out naturally. Di naman sa pagmamayabang pero alam kong alam mo yun; na totoo talaga yun diba?
Sinabi mo na din na dapat e bawas bawasan ko ang pagsusulat ng mga ganung bagay na walang kabuluhan; kaya ayun I tried to minimize doing those things. Instead sinimulan ko isulat itong mga to, yung mga gusto ko sabihin sayo, yung mga point of views ko sa buhay ba.
Alam ko na ang pagsusulat nitong mga to e may kabuluhan kasi it preseves our memories together; masaya man yan o malungkot.
Magagamit natin to; kapag tayo e matatanda na kahit di tayo ang magkatuluyan at least pede padin natin balikan yung mga alaala natin sa pamamagitan nitong mga compilations na to.
At ako si Jezreel Ann Formentera Dorado ay patuloy na magsusulat at magcocompile ng mga memories nating dalawa. :) I love you! I'm looking forward to be with you again Quino Ortega Tejero.

Distance means little when someone means so much

Alam ko sa mga oras nato kung nababasa mo to e paniguradong nasa Canada na ako. Pero magkaganunpaman gusto ko pa din ipaalala sayo mahal ko kung gaano po kita kamahal. Hindi hadlang yung mga dagat at bansang nakapagitan sa atin. Para yan lang?!
Anung ginagawa ng technology at long distance calls di ba. Kahit mahal ang tawag mahal ko handa akong magbayad, marinig ko lang yung boses mo; at makamusta lang kita. <3
Kaya nga wag ka mag alala ha. Marami naman paraan para magkausap tayo.Wag lang talagang bibitaw ang isa satin. Di ako bibitaw; alam ko yun kasi alam ko kung gaano kita kamahal at sobra sobrang halaga mo po sa akin. Alam mo naman iyon di ba. Basta ingat palagi, ingat din sa mga chicks. Alam naman natin na lapitin ka talaga ng mga babae. Kaya nga lagi akong si selos e. Haha. I love you. Mwua! mwua!

People come and go but life is simply about seeing who cares enough to stay

Kung may choice lang talaga ako di na ako aalis, di ako aalis sa tabi mo. Kaso di naman pede yun. Kaya kahit mahirap sa kalooban ko kailangan ko umalis at sumunod sa mga gusto ng magulang ko para sakin.
Pero sabi ka nga, babalik ako. Di pedeng hindi ako babalik kasi nga dito talaga sa Pinas ang home ko. Ikaw ang home ko. Chos! Kasi nga your eyes look like coming home sabi sa kanta. Hahaha!
Pangako ko sayo na babalik ako. Babalikan kita. Mag iipon lang ako dun; Pangako! Basta palagi lang tayo magskype at message sa fb ha. Basta laptop na kasi ipabili mo kay ate ha, wag na motor ha. Delikado iyon! Alam mo naman ayaw ko na ikaw e mapahamak, di naman sa wala akong tiwala sayo. Ang akin lang, ayaw kong marisk yung kaligtasan mo. okay? Hindi ako KJ ha! I love you! My heart will always yearn for you. Mahal na mahal kita po.

They say save your heart for someone who really cares but what I did was the exact opposite of that

Alam ko noong una pa lang you don't care about me at all. You never notice me before, as if i was just a fellow brethren sa mga paningin mo.
Di ko alam pero may weird na force na nagtulak sakin na ikaw yung gustuhin at mahalin, di ko alam kung kailan basta ang alam ko nainlove ako sayo.
Hindi siya yung tipo na love at first sight, No no no! Unti-unti di ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sayo. Well, unfortunately may iba ka ng gusto nun. Kaya lalong di mo talaga ako mapapansin.
Sabi nila kapag pipili ka daw ng mamahalin yun daw dapat mas mahal ka; wag daw yung ikaw lang ang may mahal kasi daw kapag ang pinili mo ay yung mas mahal ka siguradong di ka daw iiwan nun.
Pero in my case, pinili ko pa din ay yung mahal ko hindi yung mas mahal ako. Kasi nga naman kung di ko susundin ang sinasabe ng puso ko e hindi din ako magiging masaya. Kaya yun na nga pinili ko ay ang ibigin ka at patuloy na mahalin kahit alam ko naman na sa gagawin kong yun ako ang masasaktan at patuloy na masasaktan.
Hindi ako nag iintay ng kahit anong kapalit dahil ang mahalin ka yun na mismo yung kaligayahan ko.
At hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko.

You only regret the chances you didn't take

Naniniwala ako dito. Kaya nga ito nilulubos lubos ko na yung pagkakataon na makasama kita, makita at masilayan ang iyong mga ngiti; marinig ang mga corny mong jokes na bentang benta naman sakin.
Alam ko kasi na limited na lang yung pagkakataon na pede kitang makasama; alam kong alam mo din yun. Masaya akong nilulubos to; alam ko naman na ito talaga yung dapat kong gawin di ba.
Umaasa pa din ako na kahit magkalayo na tayo e di yun magiging hadlang sa atin. At tsaka anong ginagawa ng skype di ba :) Think positive lang dapat tayo palagi.
At tsaka yun nga po yung lagi ko sinasabe kapag nagkaroon tayo ng misunderstandings dapat ayusin agad di ba. Yun yung wag natin kakalimutan ha at yun din yung patauloy nating gawin.
Mahal na mahal po kita! At sa totoo lang wala akong maisip na eksaktong salita na makakapag describe ng pagmamahal na meron ako para sayo. I love you! <3

If you can't handle her at her worst then you don't deserve her. Just a thought tho

Are you sure you have the balls to see her with another man? Can you even begin to imagine her hugging on another guy? kissing him, telling him she loves him? and him doing it back? Can you picture taking her clothes for another guy? And after cuddling with him and wrapping her arms around him? And him running his hands down her body, are you prepared for that? Or did picturing this ruin your day?

If you are not ready for her to call you at 3 am freaking out, if you cannot handle her at her worst, if you only crave for her curves and not her mind, if you cannot deal with her mood swings and if you just want her for sex stay the fuck away from her.

Tuesday, 14 April 2015

ang nakakakilig na storya dahil sa isang pares ng tsinelas


Actually, di talaga storya to dahil true to life na nangyare. 
Setting: Sa Maiit
When it happened: Di ko na maalala basta Sunday ng hapon yun xD
Who are the main characters: Syempre si Jez at si Kino
Supporting characters: Jhanna, Alai, Jay-Ar, Ate Jhem, Ate Cecille, Kuya Isham, Kuya Isham's girlfriend, Patricia, Mitch, Jerstine, JB at Mhanalski. 

Nagkaron tayo ng biglaang swimming nun. Dapat movie marathon lang talaga, kaso dahil nga maiinit sa church e nagkaayaan na laang sa maiit. 
So ayun na nga, nagswimming tayong mga youth, tas naglaro pa ng volleyball. 
Team Darling I, at Team Loving You.
Syempre magkasama tayo sa team.whahaha, Kaso ang bulok ng team natin talo tayo. xD

Tas yun na nga dumating si manong na nagtitinda ng fishball. Ayun bumili tayo. Tas nung andun na tayo malapit kay manong wala ako suot na tsinelas nun. Ang init sa paa -_- Tas ayun nakita mo na naiinitan ako, at nagkataon na may suot kang tsinelas nung mga oras na yun. Kaya ayun, pinahiram mo sakin yung tsinelas na suot mo. <3 Syempre kilig much ako.
Haha yun lang. End of story :* 




Sunday, 12 April 2015

Relationship goal heart heart

stargazing with you

Gusto kong pagmasdan ang mga mga kamangha manghang creations ng Lord na kasama ka. Alam ko di ikaw yung tipo ng tao na uupo sa damuhan at mag aaksaya ng oras para dito. But still I'm hoping na one day makapag stargazing din tayo. Yung katulad ng mga napapanood ko sa mga movies. Yung hihiga tayo sa damuhan tapos kwentuhan, at kapag may nakita tayong falling star magwiwish tayo na sana wag na tayo maghiwalay forever. HAHAHA! Chos! <3  masaya yun for sure. 
Nakakablessed isipin na ang Lord di niya hinahayaan na magsilaglagan yung mga stars paano pa kaya yung mga buhay natin diba. Syemre it was well were secured sa mga kamay ng Panginoon. Ang kailangan lang natin gawin ay magtiwala sa mga magagawa at gagawin niya sa buhay natin. 
Always keep the faith. <3

Saturday, 11 April 2015

I just want to thank HIM

I just want to thank Him

Gusto ko magpasalamat sa Diyos dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ako. Wala ako dito. I just want to thank Him for all the sacrifices He made para sa atin, I want to thank him for always choosing us before himself. He was a great God, the all knowing and all powerful God. 
I'm just happy and blessed that I was given the chance to know Him more and have a better relationship with Him. 
Nagpapasalamat din ako sa mga ginamit ng Lord para makapagpatuloy ako sa aking pananampalataya. Nagpapasalamat ako sa buhay ni Pastor Edwin at sa mga kapatiran ko na palaging andyan para palakasin ako sa mga panahon na ako ay nanghihina. <3 



Don't get me wrong. I just want you to be safe

the thing that I don't want you to own

Di ako humahadlang sa pangarap mo, pero kung motor at motor lang ang pag uusapan. Big NO talaga ako dyan, alam mo naman yun di ba. You confronted me about this before, pero NO pa din talaga ako. Sorry, pero ayaw ko talaga. Di mo ba makita? I'm just concern. Kahit ilang beses mo sabihin na nasa nagda-drive ang pag iingat. I know you're old enough to be responsible sa mga decisions mo sa buhay, pero syempre andito ako para mag advise para sabihin sayo yung sa tingin ko e mas makakabuti para sayo. Owning that thing is not a good idea para sakin, and I hope you will consider my opinion. It's for your own good din naman diba. <3 I love you! I always wants what is best for you. Kaya don't get me wrong okay? :*


My photo buddy. Movie buddy. Food buddy. At fight buddy HAHAHA!


photo buddy <3

Tanda mo pa ba kung san yan? Sa San Pablo po. :) sa tabi ng bangko. Kaawas ko lang nan. Pumunta kayo ni ate Apet sa San Pablo kasi nga kukuha kayo ng pera. You texted me kung nasa SPC pa ako, kasi nga you mentioned na papunta ka din dun. So i replied at saktong kaawas ko lang din, kaya sumama ako sayo, sa inyo ni ate. 
Ayun ang tagal natin nag intay sa labas ng bangko, kasi isa lang ang pede pumasok sa loob. Pero syempre I enjoyed every moment na kasama ka, kasi nga yun naman talaga ang gusto ko ang makasama ka diba. At nakakwentuhan pa natin nun si Ptr. Bai kasi nagkataon din na andun din pala siya sa bangko that day. :) Ayung kwentuhan ng konti with Ptr. Tas nung nakalabas na si ate Apet at nakuha na yung pera pumunta tayo sa mall, hindi sa SM. Sa mall lang sa San Pablo Plaza. 
Bumili ka ng shirt nun, tsaka ako din Haha. pakigaya e. Tas konting gala. 
Tas isinama mo ako sa manikin, you told me na dun ka bumibili ng relo. :) After dun konting foodtrip tas umuwi na din tayo. Ang saya ko that day syempre kasama kita. 

Worshiping God. what a beautiful image it is



Magpatuloy lang tayo, patuloy lang sa ating spritual realm. I know it's not easy to do so especially kapag andyan na ang mga obstacles sa dinadaanan natin. But still, I want to tell you whatever may happen. Magpatuloy ka That's the best thing to do, alam naman natin na kapag di tayo nakahugpong sa ating Diyos e wala tayong magagawa at walang kabuluhan ang ating existence if we will only live for ourselves. Kaya bilang kapatid mo sa pananampalataya at soon to be girlfriend Hahaha. Gusto ko na magpatuloy ka, malayo ang mararating mo hangga't kasama mo si Lord. (y) 
Basta never rely on your own understanding and capabilities okay? Palaging sa Lord pa din. At palaging sa kanya lang ang credit, alam ko naman na alam mo yun. I love you! I'm blessed kasi kahit madami kang pinagdaanan sa buhay. (I know kasi nga kinuwento mo sakin diba) Still, andyan ka pa din at nakakapagpuri sa ating Diyos na Tagapagligtas. 
Uulitin ko "magpatuloy ka lang"
<3

What if i never met you?

paano nga kaya

Paano nga kaya kung hindi tayo nagkita? Paano nga kaya kung di tayo naging magkaklase nung elementary? Paano nga kaya kung di tayo nagkita ulit sa tayak hill? Paano? Paano nga kaya? Paano nga kaya kung di tayo naging magchurchmate? 

Sabi nila a presence or an absence of a man in your life doesn't define your worth. I firmly believe in this, pero paano nga kaya kung hindi kita nakilala? Siguro wala itong mga post na'to, or maybe just maybe ginagawa ko man ito e para sa iba. Yung tipong kinukwento ko yung lovestory namin, at hindi ang lovestory natin. :( 

Pero dahil nga nagkita tayo, nagkakilala. Nagpapasalamat ako sa Diyos. dahil ang astig niya. Totoo yung sinabi ni Yeng Constantino sa mismong wedding day niya. Talagang astig ang Diyos. Masaya ako at mapalad dahil nagkakita ulit tayo, after almost 5 years din di ba. At yun nga sa tayak hill tayo ulit nagkakita, Kasalukuyan na hiking ng church namin yun, at yun nga since si ate Ara at ate Apet na mga ate mo e kachurchmates ko, you decided to come with us. At dun na nagsimula.<3 

Ang mahalaga, nagkakita ulit tayo. Dahil kung hind tayo nagkakita ulit I bet wala akong lovestory natin na maikukwento sa iba. :) 



Kapag nag iintay ng text messages mo

cutiiie boo

Ayaaan. Ganyan na ganyan ako kapag nag iintay ng text messages mo kapag gabi, kapag wala ka sa inyo at kasama mo ang mga friends mo. I'm not scolding you. I just want you to know na kahit antok na antok na ako, still pinipilit ko pa din na wag makatulog agad. Kasi di ako mapakali kapag wala ka pa sa bahay, i know you're old enough to take care and protect yourself pero di ko mapigilan ang sarili ko na mag alala pa din. Anything can happen masama man o mabuti. Kaya nga hangga't maaari di ako natutulog agad lalo na't alam ko na nasa labas ka pa at kasama pa ang mga barkada mo. 
Bakit? kasi I care for you. At ayaw ko na may mangyari na di maganda sayo, Alam mo naman yun di ba. Di kita pinipigilan na mag enjoy with your friends, kasi naman alam ko na di pedeng ako lang palagi ang kasama at kausap mo. I understand na you still have a life outside our relationship. Haha. Chos! soon to be magiging official na din na relationship talaga. :) I'm looking forward din na maging official na tayo. <3 I love you! Patuloy pa din ako mag iintay sa mga text messages mo kahit abutin pa yan ng 2am. 
Basta malaman ko na nakauwi ka ng safe sa bahay, it was a relief na para sakin. At least makakatulog ako ng ayos at alam ko na maayos ka din nakauwi.:* 

Meeting of leaders and ministry heads

dinner meeting with ministry head and leaders@ cenaunang balay

Haha sabit lang tayo dito di ba, syempre di naman tayo leader at lalong hindi ministry head xD but still kasali pa din. Hahaha! This night was full of plans, brainstormings at syempre the table was full of foods. Lalo na dun sa crispy pata- mouthwatering food ever. Nakakatuwa kasi ang dami nating tinatanaw na mga plano for this year, at isa na nga dun yung pagpe-pledge para sa lupa na lilipatan natin. sa music, sa ladies, mens at sa youth. 
I was blessed and it was a privilege to be a part of this family; though aalis na kami di ibig sabihin nun e mawawala na kami sa pamilyang ito. We will definitely remain a part of this fam at patuloy padin kami susuporta sa inyo pagdating namin dun sa canada. 
<3 Kailangan talaga na makaalis na kami, para makasuporta din ng ayos sa ating spiritual family. Mamimiss ko kayo lahat. Especially dun sa nakatayo na nakakulay pink na shirt. Chos! xD




Red days

Red days it is

Naaalala mo pa ba? Yung gabing ibinili mo ako neto sa bayan. <3 Nagkataon na gabi na kasi yun tsaka di na ako makakalabas para bumili. Nakakatuwa. Haha, I feel important tuloy kahit ako naman talaga yung nagrequest sayo na ibili mo ako neto. Tsaka sa pic-a at sa tortillas. Thank yooou! :-* 
Sa uulitin. Hahaha. 

Friday, 10 April 2015

Kino's 18th Birthday

this photo was taken on your 18th birthday.

Alam ko masaya ko nung birthday mo kahit wala sila ate mo. At least you have us, Win family. <3 I'm so grateful din that day, kasi i was given the chance na magprepare at magpakaabala sa birthday mo. Haha. Though hindi ganun kabigat ang pag gagayat ng mga dapat gayatin, at least nakatulong ako sa paghahanda. We even go to the market with ate Glens, remember? haha. Sorry lakas ko maka-english ngayon. :3  I just can't help it kasi naman. it just comes out naturally.
Anyway, abala talaga ako nung birthday mo. Haha npanuod mo na ba sa youtube yung message ko para sayo? Oy! di lang ako basta nagsalita dun ha, may effects pa ako na pinaghandaan dun. Ays kung di mo pa napapanuod, panuodin mo na laang. Baka akala mo e yung pinalabas lang sa church ang presentation na hinanda ko para sayo. No! no! no! no! Meroooon pa. xD 
Panoodin mo ha. Pasensya nga lang at wala yung background music, nalimutan ko ata lagyan. Hahaha.  



Thursday, 2 April 2015

A piece of me will always belong to you



A piece of me will always belong to you. 

I love you and I will always do. I don't care kung ako man yung unang nagkagusto at nagmahal sayo. Ang mahalaga alam ko sa sarili ko na loving you is my own definition of happiness. 
Even though na we started as friends and just fellow churchmates, still I'm blessed pa din kasi nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan lang. Honestly di sumagi sa isipan ko na magiging head over heels ako sayo. 
Still, thankful pa din ako kasi dumating tayo sa point na we're almost guarding each other's back at hindi lang yun we are there for each other sa mga pagkakataon na kailangan natin ng makakausap, masasabihan ng problema at pasanin sa buhay.